KALIBO, Aklan—Mahigpit na ipinapatupad ng mga pamunuan ng paaralan sa buong Western Visayas ang pagbawal sa paggamit ng vape o paghithit ng sigarilyo lalo na sa mga estudyante at sa mga personnel sa loob ng schools premisis.
Ayon kay Mr. Hernani Escullar Jr, Department of Education (DepEd) region VI spokesperson, patuloy ang kanilang paalala sa mga learners at maging sa kanilang kapwa guro na walang magandang maidudulot ang paggamit ng vape at maging ang paghithit ng yosi sa kalusugan ng tao.
Maliban dito, puspusan ang kanilang kampanya upang maiwasan ng mga mag-aaral ang masamang bisyo.
Matatandaan na may inilabas na DepEd Order No. 48, series of 2016 o Comprehensive Tobacco Control at DepEd Memorandum No. 111, series of 2019 o Prohibition on the Use of E-Cigarettes and Reinforcement of Tobacco Ban in Schools and Offices kasunod na rin sa DOH Administrative Order No. 2019-0007 upang ma-regulate gayundin mapalakas ang kampanya laban sa paninigarilyo.
Dagdag pa ni Escullar Jr. na sakaling may mahuling estudyante sa kanilang monitoring, sasailalim ito sa guidance counseling at rehabilitasyon.