-- ADVERTISEMENT --

Arestado ng mga awtoridad ang isang Grade 10 student sa Bohol matapos makumpiska ang isang kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P6.8 milyon sa operasyon ng pulisya sa Inabanga sa naturang lugar.

Ayon sa Bohol Police Provincial Office (BPPO) nitong Sabado, Hulyo 19, ang suspek ay isang 22-anyos na estudyante na residente ng Barangay Mantatao, Calape na naaresto 11:50 ng gabi noong Huwebes, Hulyo 17 sa Barangay Tungod sa Inabanga.

Sinabi pa ng pulisya, ikinokonsiderang high-value individual (HVI) ang estudyante.

Inilagay ito sa surveillance sa loob ng dalawang linggo at napag-alaman na nagbebenta ito ng illegal na droga sa bayan ng Inabangan at mga kalapit na bayan.

-- ADVERTISEMENT --

Nakakapagtulak umano ang suspek ng isang kilo ng shabu kada linggo.

Pinaniniwalaan naman na source ng illegal na droga ng naaresto ng isang alyas “Tisoy.”

Siniguro naman ni BPPO spokesperson Lt. Col. Norman Nuez sa publiko na mas palalakasin pa nito ang anti-drug efforts sa probinsya.