112 nga mga centenarians sa Western Visayas, nakabaton it cash gift nga P100-K
-- ADVERTISEMENT --

MALAY, Aklan — Kabuuang 33 senior citizens sa bayan ng Malay na may edad 80, 85, 90, at 95 ang nakatanggap ng P10,000 na cash subsidy sa ilalim ng Expanded Centenarian Law.

Ang pagbibigay-pugay sa mga matatanda ay isinagawa noong araw ng Biyernes, Hulyo 18, sa conference hall ng  Office of the Senior Citizen Affairs (OSCA) sa pangunguna ng National Commission of Senior Citizens sa pamamagitan ng Local Government Unit ng Malay.

-- ADVERTISEMENT --

Nauna dito, inabisuhan ang mga beneficiaries at kaukulang pamilya kaugnay sa payout ng nasabing cash subsidy.

Ang Expanded Centenarians Act o Republic Act No. 11982 ay naglalayong magbigay ng cash gifts sa mga senior citizens nga umabot sa specific milestone ages kung saan P10,000 ang matatanggap ng mga may edad na  80,85,90,95, at P100,000 para sa 100 years old.

Hinihikayat ng OSCA ang mga  senior citizens na magsumite ng kanilang applications para sa eligibility na kinabibilangan ng 2×2 ID photo, OSCA ID, at anumang national government-issued ID.

Hindi na nire-require ng OSCA ang magsumite ng certificate of live birth dahil ilan sa mga senior citizens ay nahihirapan at magastos ang pagkuha nito lalo na ang mga “late” na nagpa-rehistro.

Sa kabila na hinihikayat ang mga lolo at lola na personal na dumalo sa pay-out, subalit ang mga bedridden seniors ay maaring mag-authorize ng kanilang direct family members na mag-claim ng kanilang cash subsidy.