-- ADVERTISEMENT --

KALIBO, Aklan — Hindi pabor si Sangguniang Bayan member Ronald Marte, chairman ng  Committee on Tourism, Culture and Arts, Committee on Economic Enterprise at Committee on Peace and Order and Public Safety sa isinusulong na panukalang ipagbawal ang mag-inuman sa Pook jetty port.

Layunin ng panukala na maisawan ang anumang kaguluhan sa lugar at pagkakalat ng mga basura na kadalasang napupunta sa tabing dagat.

-- ADVERTISEMENT --

Pero ayon kay Marte, sa halip na ipagbawal mas mabuting i-regulate ang pagdadala ng alak sa lugar.

Para sa opisyal,  unti-unti nang nakikilala ang lugar bilang isang tourist attraction, kung saan, marami ang namamasyal dito lalo na tuwing dapithapon.

Aminado naman si Marte na may ilang mga indibiwal ang gumagawa ng gulo, ngunit pawang isolated case lamang at hindi sumasalamin sa kabuuang sitwasyon ng lugar.

Sa kasalukuyan aniya ag sanib-pwersa ang barangay council at pulisya sa pagpapatupad ng peace and order at curfew hour sa mga menor de edad na kadalasang gumagawa ng gulo.

Sa kabilang daku,  upang lalo pang mapaigting ang seguridad sa Pook jetty port, balak nilang bumuo ng tourist police gayundin ang pagbili ng dagdag na mga gamit upang mapabilis ang response time.

Kasunod ito ng paglalagay ng police outpost sa boundary ng Caano at Pook.

Mungkahi pa nila na gawing side trip para sa mga turistang pupunta sa isla ng Boracay ang jetty port sa oras na manumbalik ang mga flights sa Kalibo International Airport.