Supreme Court ginapakomento ro Senado sa petisyon ni Guo
-- ADVERTISEMENT --

Ikinagalit ng grupong Bayan Panay ang pag-basura ng Korte Suprema sa Impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Elmer Forro ng Bayan Panay, malaking constitutional question para sa kanilang ang pakikinig ng Korte Suprema sa argumento ng kampo ni Vice President Sara Duterte na dapat isang complaint lang sa isang taon para sa isang opisyal ang pwedeng ihain.

Malaking katanungan ito dahil ang na-violate umano dito ay ang separation of powers dahil ang Legislative body at ang Judiciary body ay may kaparehong kapangyarihan na hindi dapar makialam sa isa’t-isa.

Dagdag pa niya na sana ay hinayaan muna ng Korte Suprema na ituloy ang kaso dahil kung wala talagang kasalanan si VP Sara ay ang Impeachment court na mismo ang mag-dedesisyon, ngunit dahil nangialam ang korte suprema, sa tingin nila ay magkakaroon ito ng constitutional crisis.

Sigurado din umano sila na hindi na papansinin ng Senado ang pag-buo ng impeachment court dahil sa desisyon ng korte.

-- ADVERTISEMENT --

Sa kabilang banda, itinuturing ni Forro na isang malaking “joke” ang ginagawang “boxing match” nina acting Mayor ng Davao na si Baste Duterte at PNP Chief Gen. Nicolas Torre III dahil sa dami umanong problema ng Pilipinas na dapat bigyang atensyon ay mas inuna pa nila ang kanilang sagutan ang paggawa ng hindi nararapat na gawain ng mga matataas na personalidad.