-- ADVERTISEMENT --

BANGA, Aklan — Maaaring maharap sa reklamong Reckless Imprudence resulting to homicide, Reckless Imprudence resulting to Physical Injury at Damage to Property ang 47-anyos na bus driver na kumaladlad sa motorsiklo na ikinasawi ng driver nito at ikinasugat ng kanyang backrider.

Nangyari ang aksidente, hapon ng Biyernes, Hulyo 25 sa national highway na sakop ng Brgy. Libas, Banga.

-- ADVERTISEMENT --

Pinapaniwalaang na “na-wow mali” ang driver ng motorsiklo sa pag-akalang may checkpoint sa unahan dahilan na bigla itong nag-u-turn.

Hindi na nakaiwas ang bus driver at  nahagip ang sinusundang motorsiklo.

Nabatid na ang mga biktima na sinasabing kapwa menor de edad ay mula sa Balete at papunta sanang  Banga habang ang bus ay mula rin sa direksyon ng Balete at papuntang Caticlan, Malay.

Inakala umano ng mga ito na miyembro ng Highway Patrol Group ang nagsasagawa ng checkpoint, ngunit mga tauhan pala ng Task Force Kalikasan .

Biglang umiwas ang mga ito at nangyari ang aksidente.

Nakaladlad ng bus ang  driver na idineklarang dead on arrival habang tumilapon ang kanyang angkas na nagtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan at kasalukuyang ginagamot sa ospital.

Hawak ngayon ng mga pulis ang driver  at kasalukuyang nakapiit sa detention facility ng Banga Municipal Police Station.