Kinondena ng United Kingdom ang alok na cash reward mula sa mga awtoridad ng Hong Kong para sa makakatulong sa pag-aresto ng mga pro-democracy activists na naninirahan sa Britain.
Inihayag nina Foreign Secretary David Lammy at Home Secretary Yvette Cooper na ito ay isang panibagong halimbawa ng transnational repression.
Inaalok ang nasa $25,000 hanggang $125,000 bilang reward para sa impormasyon na magdudulot sa pag-aresto ng 19 na aktibista, kabilang ang mga kilalang personalidad gaya nila Nathan Law ag Yuan Gong-Yi.
Ang mga aktibista ay inakusahan ng paglabag sa National Security Law ng Beijing na ipinasa noong 2020 matapos ang malawakang anti-government protests.
Nagbigay na rin ng reward ang Hong Kong noong Hulyo at Disyembre 2023 at ito ay naglalayon na arestuhin ang mga aktibista na nakatakas sa ibang bansa lalo na sa UK at Canada.
Sa kabila ng mga kritisismo mula sa international community, tinawag ng China na pagpakialam ang mga reaksyon laban sa mga nasabing reward.
Iginiit naman nina Lammy at Cooper na patuloy na susuportahan ng UK ang mga mamamayan ng Hong Kong, kabilang na ang mga nagsisikap na maipatayo ng bagong bahay sa Britain.