KALIBO, Aklan — Sa kabila na ang impeachment ay isang political exercise, ngunit tama lamang na ang Korte Suprema ang pumagitna sa mainit na away sa isinampang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Ito ang sinabi ni Atty. Axel Gonzales, political analysts sa Aklan.
Aniya, sa legalidad at Konstitusyon, ang dapat na namamagitan o may “final say” ay walang iba kundi ang Korte Suprema.
Sila umano ang may karapatan na tumingin, mag-review at gumawa ng desisyon kapag may mga pinagdedebatehan.
Hindi umano ito obligasyon ng mga senador, kongresista, o sino mang may opinion kung sino ang dapat na mangibabaw kundi ang boses ng mga mahistrado.
Dagdag pa ni Atty. Gonzales na ito ang dahilan kung bakit humingi ang Korte Suprema ng mga dokumento mula sa Kamara dahil gusto nilang malaman ang buong detalye.
Ang naging basehan aniya sa ipinalabas na ruling ay ang batas at hindi emosyon, opinion, pera o takot sa kapangyarihan.