KALIBO, Aklan — Magsasagawa ng protesta ang Bagong Alyansang Makabayan o Bayan-Aklan kasabay ng ika-apat na State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ngayong Lunes, Hulyo 28.
Hinikayat ng militanteng grupo ang publiko na sumama sa mga pagkilos upang mabulgar umano ang tunay na nangyayari sa mga mamamayang sinisikil at inaabusuhan.
Sigaw nila nasaan na ang mga napakong pangako na P20 na bigas, edukasyon, pabahay, hanap buhay, at mataas na sahod ng mga guro.
Tinutuligsa rin nila ang alyansa ng US-Philippines, at ang desisyon ng SC sa impeachment case laban kay VP Sara Duterte bilang labag sa konstitusyon.
Bago magtungo sa Crossing Banga-New Washington dakong alas-3:00 hanggang alas-4:00 mamayang hapon para sa isasagawang march rally, magkakaroon muna ng indoor forum discussion ang grupo dakong ala-1:00 hanggang alas-3:00 ng hapon.