Sa kanyang ika-apat na State of the Nation Address (SONA), ipinanawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagpapatuloy ng mga programang nagbibigay ng trabaho at kabuhayan sa mga Pilipino, lalo na sa mga estudyante at mahihirap.
Inatasan ng Pangulo ang DOLE, DSWD, DTI, at DOT na maghanap ng mga oportunidad para sa natitirang 4% ng manggagawang Pilipino na walang trabaho. Kabilang dito ang pagpapatuloy ng Government Internship Program (GIP) para sa kabataan, at mga job fair ng DSWD para sa mga benepisyaryo ng 4Ps.
Pinalalawak din ng pamahalaan ang pagbibigay ng libreng pagsasanay at puhunan upang makapagsimula ng microenterprise ang mahigit 2.5 milyong maralitang pamilya, na may mababang interes at walang kolateral. Kasama sa tulong ang proteksyon sa intellectual property ng mga maliliit na negosyante.