-- ADVERTISEMENT --

Patuloy ang pagsasagawa ng Provincial Tactical Operation Center ng simulation exercises ukol sa 5 –minutes response time ng mga kapulisan.

Ayon kay P/MSgt. Jane Vega, tagapagsalita ng Aklan Police Provincial Office (APPO), nakakasunod ang mga Municipal Police Stations sa 5-minutes response time na ikinasaya din ng kanilag tanggapan.

Madalas umanong nakakatanggap ng tawag gamit ang 911 hotline ang bayan ng Kalibo at Malay, gayunpaman patuloy din ang pagtawag ng mga mamamayan sa mga local hotline numbers ng iba’t ibang Municipal Police Stations.

Dagdag pa niya na masaya sila na nandyan mismo ang isla ng Boracay na sentro ng turismo na marami ring pagbabago pagdating sa police response kaya tumaas ang trust rate at confidence ng mga mamamayan pati na rin ang mga local at foreign tourist.

Paliwanag din niya na patuloy na tinutukoy ang mga posibleng maging  rason ng pag-kadelay ng mga pulisya sa pagresponde.

-- ADVERTISEMENT --

Humihingi rin umano sila ng pasensya sa mga lugar na medjo hindi nila maabot ang nasabing oras dahil sa distansya ng lugar lalo na sa mga mabundok na lugar.

Dagdag pa niya na nasisiyahan umano sila na hindi tumataas sa 3 minuto ang pag responde ng mga responder sa buong probinsya ng Aklan.

Samantala, dahil sa tinatawag na Relief and re-assignment ng mga kapulisyan ay normal lamang na ma-assign sa ibang municipal police station lalo na sa mga police commissioned officers.

Ipinaliwanag niya na hindi maituturing na nagreshuffle dahil ang isa sa mga rason dito ay kinakailangan na mag-hanap ng iba pang assignment ang ibang pulis para makatulong sa kanilang professional development.