
Dismayado ang grupong PISTON na hindi manlang nasagi sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanilang sektor.
Ayon kay PISTON president Moody Floranda, sa mahigot isang oras na SONA ng Pangulo ay hindi sila nabigyan ng pansin.
Dahil dito, patuloy ang kanilang panawagan na ibalik ang 5 years franchise dahilan sa kakulangan ng mga traditional jeepney na pumasada mula nang inilunsad ang Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).
Mula nang simulan ang pagsamoderno ng mga jeepney sa buong bansa ay marami sa kanila ang hindi nagpaconsolidate o hindi pumasok sa kooperatiba sa halip ay mas pinili na huwag nalang pumasada kung kaya’t nasa 200 na mga drivers and operators sa Metro Manila ang nawalan ng kabuhayan.
Ang resulta nito ay ang kawalan ng masakyan at pahirap para sa mga commuters.
Umasa sana sila na isa sila sa mabanggit sa naging SONA ng Pangulo sa halip ay binigyang diin nito ang MRT, LRT, pagbalik sa Love Bus at iba pa.