-- ADVERTISEMENT --

Isinusulong ng Senado ang mas mataas na antas ng transparency sa 2026 national budget bilang bahagi ng tinatawag na “ginintuang panahon ng transparency at pananagutan.”

Sa forum na Kapihan sa Senado, ibinunyag ng Senate Committee on Finance na limitado pa rin ang akses ng publiko sa mga dokumentong kaugnay sa badyet, kung saan dalawa lamang sa walong pangunahing dokumento—ang National Expenditure Program at General Appropriations Act—ang kasalukuyang makikita online.

Bilang tugon, plano ng Senado na hilingin sa Department of Budget and Management (DBM) na i-upload ang Budget Preparation Form 201, na naglalaman ng orihinal na panukala ng mga ahensya ng pamahalaan. Layunin nito na matukoy kung ang mga karagdagang pondo na hinihiling sa budget hearings ay bahagi ng unang panukala ng mga ahensya.

Target ng Senado na maisabatas ang mas malawak na pagbubunyag ng impormasyon upang mapalakas ang tiwala ng publiko sa proseso ng pagbuo ng pambansang badyet.