-- ADVERTISEMENT --

Inilunsad ng Topline Hi Tech and Synergy Corporation katuwang ang Aklan provinicial government sa Caticlan Jetty Port, Malay, Aklan ang ₱150-milyon pesos Unified Automated Ticketing System (UATS) o tinawag na “LezzGo Boracay” upang mapabilis ang proseso ng pagpasok ng mga turista sa isla ng Boracay.

Ayon kay Department of Tourism (DoT) Assistant Secretary Judilyn Quiachon, ang nasabing upgraded ticketing system ay layuning mapaikli ang dating 30-40 minutes na proseso ng ticketing at fee collection sa halos 10-15 minutes lamang para sa domestic, foreign at overseas Filipino tourist.

Pinagsama sa LezzGo Boracay system ang pagbayad sa terminal at environmental fee, boat fare, at passenger manifest kung saan, ipapatupad na ito sa mga pantalan ng Caticlan at Cagban gayundin sa Tabon at Tambisaan.

Ngunit, may opsyon pa rin para sa on-site payment at inaasahan na ilulunsar din ang mobile app sa susunod na taon kung saan, maaaring mag-book online ang mga turista gamit ang kanilang credit o debit card at e-wallets.

Ang LezzGo Boracay ay inaasahang makapagproseso ng mahigit sa 10,000 na turista bawat araw at target nito na mapataas ang bilang ng mga dayuhang turista mula sa bansang South Korea at China na bahagyang bumaba ang kanilang bilang mula nang nagkaroon ng pandemya.

-- ADVERTISEMENT --