-- ADVERTISEMENT --

Ipinahayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang suporta nito sa House Bill No. 1040 na naglalayong bigyan ng prayoridad ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa edukasyong pang-kolehiyo at trabaho.

Sa ilalim ng panukala ni Rep. JC Abalos, ilalaan ang 10% ng slots sa mga state colleges para sa mga 4Ps beneficiaries upang matiyak ang tuluy-tuloy na edukasyon mula elementarya hanggang kolehiyo.

Nilalayon ng hakbang na mas mapaigting ang epekto ng 4Ps sa pagbawas ng kahirapan. Kasabay nito, ikinukonsidera rin ng DSWD ang mga reporma sa programa na umaabot na ng 17 taon, upang maging mas epektibo ito sa pagtugon sa pangangailangan ng mahihirap na pamilya.

Sa ngayon, mahigit 4 na milyong kabahayan ang patuloy na nakikinabang sa 4Ps.