-- ADVERTISEMENT --

Nakatakdang lagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukala na magpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Ayon sa Presidente, kailangan munang tutukan ang kauna-unahang eleksyon sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa buwan ng Oktubre.

Sa Agosto 14 ay nakatakdang mag-lapse into law ang panukala na nagpapaliban sa Barangay at SK Elections na imbes sa Disyembre 1, 2025 ay gagawin ang eleksyon sa unang Lunes ng Nobyembre 2026.

Noong Hunyo ay niratipikahan ng Senado at House ang bicameral conference committee report na nagtatakda sa apat na taong termino mula sa kasalukuyang tatlong taon na limit sa barangay at SK officials.