NEW WASHINGTON, Aklan — Nasunog ang dirty kitchen ng isang bahay dakong alas-9 ng umaga ng Martes, Agosto 12 sa Brgy. Cawayan, New Washington.
Ayon sa may ari ng bahay na si Edgar Bautista, 75 anyos at residente ng naturang lugar na posible raw na nagsimula ang apoy mula sa inipong baga ng apoy at pinagpatungan ng mga bagong bisak na kahoy.
Dakong alas-4 umano nang madaling araw ay nagsaing pa siya at pagkatapos nito ay umalis na siya sa kusina.
Maswerte umanong nakahiwalay ang kanyang nasunog na dirty kitchen sa kanyang bahay dahilan na hindi ito nadamay.
Partially damage naman ang bintana ng katabing bahay na sa mabuting palad ay gawa sa concrete materials at may fire wall dahilan na hindi na kumalat ang apoy.
Nang mapansin ang lumalaking apoy, tinangka niya itong apulahin sa pamamagitan ng pagbasya dito ng tubig.
Aniya, wala siyang kasama nang mangyari ang insidente matapos na pumasok na sa paaralan ang kanyang dalawang kasamang apo sa bahay.
Agad namang rumesponde rito ang mga bumbero at nagsagawa ng mapping operation.
Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang mga kawani ng BFP sa naging sanhi at iniwang pinsala ng sunog.