-- ADVERTISEMENT --
KALIBO, Aklan — Isang higanteng isda na kung tawagin ay “mola-mola” o sunfish, ang nakitang patay sa dalampasigan ng Andagao, Kalibo, dakong alas- 4:00 ng hapon ng Martes, Agosto 12, 2025.
Ayon sa Municipal Agriculture Office ng LGU-Kalibo, may mga sugat o lesions ang mga mata ng isda na posibleng naka-apekto sa kanyang paningin at naging dahilan upang lumangoy ito malapit sa ibabaw ng tubig bago inanod sa pampang.
Martes daw nang makita sa dalampasigan ang higanteng isda na wala nang buhay.
Tumitimbang ito ng mahigit sa 50 kilo, may haba na 1.20 meters, at lapad na 0.70 meters.
-- ADVERTISEMENT --
Batay pa sa ginawang pagsusuri sa isda, kinuha na ng mga lokal na mangingisda ang mga palikpik nito para kainin.