Pormal nang isinumite ngayong umaga ng administrasyong Marcos ang 2026 P6.793 trilyong National Expenditure Program (NEP) sa pamamagitan ni Budget and Management Secretary Amenah Pangandaman.
Pinangunahan ni House Speaker Martin Romualdez ang pagtanggap sa NEP kabilang ang iba pang mga opisyal na sina House Deputy Speaker Jayjay Suarez, Majority Leader Sandro Marcos, House Minority Leader Marcelino Libanan, at Rep. Mikhaela Angela Suansing, chairperson ng House Committee on Appropriations.
Nangunguna sa may pinakamalaking badyet ay ang Department of Education na napaglaanan ng P928 bilyon, at DPWH na P881.31 bilyon.
Ang confidential funds ay pinaglaanan ng kabuuang P10.77 bilyon kung saan ang nangunguna sa may malaking pondo ay ang Office of the President sa halagang P4.5 bilyon.
Banggit pa ng mambabatas na simula aniya sa taong ito ay mayroong mga reporma na ipatutupad.
Kinumpirma rin ng speaker ang pagbuwag sa “small committee” na binuo para sa mga nagdaang taon upang siyang lumagom sa institutional amendments.
Kabilang sa repomang ito ay ang pagbubukas ay ang pagbubukas sa House-Senate conference, ang pag-imbita sa mga civil society, people’s organizations, at pribadong sektor sa mga budget hearings, ang pagpapatatag sa House oversight function sa pagpapatupad ng budget at ang pag-prioritize sa mga investment na makatutulong sa mga Pilipino.
Giit pa ni Romualdez na, “we are not meant to slow the process – they are meant to make it better, stronger, and more trusted. Kapag malinaw ang proseso, malinaw din ang tiwala.”
Samantala, nasa P274.926 billion ang inilaang pondo para sa Flood Control Projects na nakapaloob sa 2026 national budget.
Ito ang inihayag ni Budget Secretary Amenah Pangandaman. Sa nasabing pondo P272.3-billion dito ay mapupunta sa DPWH at P2.593-billion naman para sa MMDA.
Ayon kay Pangndaman ito ay inirekomenda ng dalawang ahensiya.