KALIBO, Aklan–Napagkasunduan ng pamunuan ng National Irrigation Administration (NIA) Aklan at mga presidente ng Irrigator’s Association ng bayan ng Banga, New Washington at Kalibo sa ginanap na emergency meeting na magpapatuloy ang water delivery sa mga irrigation canal sa loob ng dalawa hanggang tatlong linggo upang madaluyan ng tubig ang lahat ng palayan na tumigas na lamang ang kalupaan dahil sa kawalan ng tubig at sa naranasang matinding init nitong mga nakaraang araw.
Ayon kay Gina Diongson, NABRICAMP Irrigators Association Incorporated president, hindi aniya pwedeng itigil ng NIA ang kanilang construction dahil sa may sinusunod silang timeline sa proyekto.
Dagdag pa dito na kung sa pagtapos pa ng harvest season ipagpapatuloy ang construction ay baka bumuhos na ang ulan dahil ang buwan ng Agosto at mga susunod pang buwan ay tag-ulan batay na rin sa klima na mayroon ang bansa.
Ipinaliwanag pa ni Diongson na magsasagawa ng weekly monitoring at kung anu ang updates ay dito na muling makapagpasya ang NIA at ang asosasyon para sa ikabubuti ng kanilang taniman.