Sa kabila ng batikos sa kanyang madalas na biyahe sa ibang bansa, itinuloy ni Vice President Sara Duterte ang kanyang pagbisita sa Kuwait nitong Biyernes
Ayon sa Office of the Vice President (OVP), nakipagpulong si Duterte sa mga Pilipino sa Kuwait upang talakayin ang kanilang mga isyu at pangangailangan.
Iginiit ng opisina na ang lahat ng kanyang paglalakbay ay alinsunod sa umiiral na patakaran ng pamahalaan at walang pondo ng gobyerno ang ginagamit.
Dagdag pa ng OVP, bahagi ng mandato ng pangalawang pangulo ang pagtataguyod ng kapakanan ng mga overseas Filipinos at pagpapanatili ng aktibong ugnayan sa mga komunidad ng migrante.
Kamakailan ay pinuna ng ilang mambabatas si Duterte dahil sa umano’y madalas na pagliban at sunod-sunod na biyahe sa Netherlands, Qatar, Australia, Malaysia, Singapore at South Korea.