Suportado ng Department of Budget and Management (DBM) ang panukalang i-livestream ang lahat ng deliberasyon sa badyet sa Kongreso upang mapalawak ang transparency at partisipasyon ng publiko sa usaping pampinansyal ng bansa.
Sa isang pagtitipon ng mga guro sa Lucena City, binigyang-diin ni DBM Secretary Amenah Pangandaman ang kahalagahan ng pagtutulungan ng ehekutibo at lehislatibo upang matiyak na ang 2026 General Appropriations Act (GAA) ay naaayon sa 2026 National Expenditure Program (NEP).
Ipinunto rin ng kalihim ang panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na manatiling nakaayon ang Kongreso sa NEP, na siyang nagsisilbing batayan sa pagbuo ng General Appropriations Bill.
Naipasa na ng DBM sa Senado at Kamara ang panukalang 2026 NEP na naglalaman ng PHP6.793 trilyong badyet — mas mataas ng 7.4% kumpara sa 2025 na badyet.
Patuloy na kabilang sa mga prayoridad sa alokasyon ang edukasyon, imprastruktura, at kalusugan para sa susunod na taon.