-- ADVERTISEMENT --

Sa kauna-unahang pagkakataon sa 74 na taon ng Miss Universe, magkakaroon ng kinatawan ang Palestine.

Si Nadeen Ayoub, isang Dubai-based beauty queen, ang napiling magrerepresenta ng Palestine sa pageant na gaganapin sa Nobyembre 2025 sa Thailand.

Sa kanyang Instagram, ipinahayag ni Nadeen na bitbit niya ang tungkulin na maging boses ng mga Palestino, lalo na ng kababaihan at kabataan, sa gitna ng patuloy na krisis sa Gaza.

Ibinahagi rin niya ang adbokasiya niyang Sayidat Falesteen o Women of Palestine upang ipakilala sa mundo ang mga kuwento ng mga kababaihang Palestino.

Si Nadeen ay dati nang lumaban sa Miss Earth 2022 kung saan siya’y nagwagi ng titulong Miss Earth – Water.

-- ADVERTISEMENT --

Makikisabay ang Palestine sa unang paglahok din ng Saudi Arabia at Latina (U.S. Latinas) sa Miss Universe ngayong taon.

Mula naman sa Pilipinas, si Ahtisa Manalo ang magtatangkang masungkit ang ikalimang korona ng bansa.