-- ADVERTISEMENT --

Binigyang-diin ni Vice President Sara Duterte na nahuhuli ang Pilipinas sa larangan ng edukasyon kumpara sa ibang bansa.

Sinabi niyang habang ang ibang bansa ay nagtuturo na ng robotics at coding sa mga batang edad tatlo o apat, marami pa ring high school students sa bansa ang hindi marunong magbasa.

Tinukoy din niya ang malalang learning crisis sa Pilipinas, bagay na una nang binigyang-babala ng UNICEF.

Ayon sa datos mula 2019, 90% ng Grade 5 students ang hindi nakabasa sa antas na inaasahan, at 83% ay hirap pa rin sa basic math.

Ayon sa Department of Education (DepEd), may mga hakbang nang ipatutupad mula Kindergarten hanggang Grade 3 upang tugunan ang krisis sa pagkatuto.

-- ADVERTISEMENT --

Bukod sa edukasyon, binanggit din ni Duterte ang iba pang suliranin ng bansa tulad ng kawalan ng sapat na trabaho na nagtutulak sa mga Pilipino na mangibang-bansa, mabagal na proseso ng paghingi ng tulong sa gobyerno, at paulit-ulit na pinsalang dulot ng bagyo at landslide.

Giit niya, dapat lumikha ng sapat na trabaho at paghahanda upang hindi na maulit ang lawak ng pinsalang naranasan noong Super Typhoon Yolanda.