Iniutos si Senate President Francis Escudero ang mas pinaigting na pagpapatupad at pagsusuri sa random drug testing policy sa Senado, kasunod ng mga ulat ng umano’y paggamit ng marijuana sa loob ng gusali, partikular sa ikalimang palapag.
Sa liham kay Minority Leader Vicente Sotto III, kinumpirma ni Escudero na isinagawa ang huling mandatory random drug testing noong Marso 20, 2025, at kasalukuyan nang pinaghahandaan ang panibagong testing.
Kabilang sa mga hakbang ang pakikipag-ugnayan sa Department of Health at accredited laboratories para sa pagbuo ng updated at legal na guidelines alinsunod sa Dangerous Drugs Act of 2002.
Muling ipatutupad ang Senate Policy Order No. 2018-002 na nagsasaad ng regular na random drug testing, matapos itong hindi maipatupad mula noong 2020.
Una nang nanawagan si Sotto ng agarang drug test para sa mga senador at kawani bilang tugon sa mga ulat ng paggamit ng ilegal na droga sa Senado.