Nagbabala ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga benepisyaryo ng tulong pinansyal ng pamahalaan laban sa paggamit ng ayuda sa anumang uri ng pagsusugal.
Sa inilabas na memorandum, inatasan ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang mahigpit na pagpapaalala sa mga benepisyaryo na ang ayuda ay para lamang sa pangunahing pangangailangan. Ipinag-utos din ang mas masusing monitoring at agarang pagtugon sa mga ulat ng maling paggamit ng pondo.Babala ng ahensya, ang sinumang mahuling gumagamit ng ayuda sa pagsusugal ay maaaring matanggal sa programa at madiskwalipika sa hinaharap.
Ang hakbang ay kaugnay ng kampanya ng administrasyong Marcos laban sa masamang epekto ng pagsusugal, kasunod ng utos ng Bangko Sentral ng Pilipinas na ihiwalay ang e-wallet platforms mula sa mga online gambling site.
Hinimok ng DSWD ang lahat ng benepisyaryo na gamitin nang wasto at responsable ang ayudang natatanggap mula sa gobyerno.