-- ADVERTISEMENT --

Mahigit 10 percent ang itinaas ng tourist arrival sa isla ng Boracay sa unang dalawang linggo ng buwan ng Agosto ng kasalukuyang taon, kung ikukumpara sa parehong period ng nakaraang taon.

Ayon kay Kathrine Licerio, tagapagsalita ng Malay-Boracay Tourism Office, nagpapa-totoo ito sa patuloy na pagbuhos ng maraming turista sa Boracay sa kabila ng itinuturing na off season ang nasabing buwan.

Batay sa datos na ipinlabas ng kanilang tanggapan, ipinahayag ni Licerio na nakapagtala sila ng kabuoang 84,014 na tourist arrival mula Agosto 1 hanggang 15 ng kasalukuyang taon.

Sa nasabing numero, 68,794 ang domestic tourist; 1,179 ang overseas tourist, habang 14,041 naman ang foreign tourist.

Dagdag pa ni Licerio na ang nasabing bilang ng tourist arrival sa Boracay ay nagpapa-totoo lamang na tuloy-tuloy ang pamamayagpag ng isla na kinilala bilang nangungunang tourist destination sa buong mundo.

-- ADVERTISEMENT --

Sa ngayon umano ay nananatiling patok ang mga water sports activities na binabalik-balikan ng mga turista sa Boracay.