Inamin ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan na may posibilidad ng ghost projects sa mga flood control program ng ahensya, partikular sa Bulacan.
Sa pagdinig ng Senado, kinumpirma ni Bonoan na may ulat siyang natanggap tungkol sa mga proyekto sa Calumpit, Malolos at Hagonoy.
Isa sa mga kontraktor ay ang Wawao Builders na nakakuha ng ₱5.97 bilyon na proyekto sa Bulacan at kabuuang ₱9 bilyon sa buong bansa.
Dahil dito, pinalitan na ni Bonoan ang buong district office ng DPWH sa Bulacan at iniimbestigahan na ang mga proyekto.
Ayon sa DPWH, ilalabas sa mga susunod na linggo ang ulat sa pisikal at pinansyal na estado ng mga proyekto.
Sinabi rin ni Bonoan na kakasuhan ang mga responsable kung mapatunayang may iregularidad.
Batay sa datos, mahigit ₱545 bilyon na ang nagastos sa flood control simula 2022, kung saan halos ₱100 bilyon ay napunta lamang sa 15 kontraktor.