-- ADVERTISEMENT --

Matapos ibahagi ang kanyang karanasan sa abusive relationships noong kanyang pagkabata sa Estados Unidos, naglabas si Liza Soberano ng panibagong mensahe para sa mga bata at kababaihang biktima ng pang-aabuso.

Sa video series na “Can I Come In?”, ikinuwento ni Liza ang pagkidnap at pang-aabuso ng ilang parental figures sa kanya, lalo na habang siya ay nasa foster care system.

Pagkatapos, nag-post siya sa Instagram ng mga lumang larawan at impormasyon tungkol sa child exploitation sa Pilipinas.

Binigyang-diin ni Liza na bilang isang tao ng impluwensya, tungkulin niyang magsalita laban sa pang-aabuso upang matulungan ang iba, at hinikayat ang mga biktima na huwag matakot magsalita.

Tinapos niya ang mensahe sa panawagan na magkaisa at gumawa ng makabuluhang pagbabago upang protektahan ang mga kabataan.

-- ADVERTISEMENT --

Maraming kilalang personalidad tulad nina Bela Padilla, Cherry Pie Picache at Coney Reyes ang nagbigay ng suporta sa post ni Liza.