Nagpalabas ng direktiba ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga bayan na magdeploy ng barangay tanod sa bawat paaralan para masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral, mga magulang at guro.
Ito ay kasunod ng mga harassment at insidente ng bullying sa loob at labas ng paaralan sa iba pang probinsya at rehiyon.
Ipinaliwanag ni DILG Aklan provincial director Dino Ponsaran ang Memorandum Circular 2025-072 kung saan bahagi ito ng mas pinaigting na pagbanbantay para sa seguridad ng lahat ng paaralan.
Sa ilalim ng nasabing direktiba, ang mga tanod na ide-deploy ay hindi lamang magbabantay sa oras ng pagpasok o uwian ng mga mag-aaral kundi tutulogn rin ang mga ito sa pagtawid sa mga daanan lalo na kung ang paaralan ay nasa sa abalang kalsada.
Kaugnay nito, tiniyak ni Ponsaran na may mga nararapat na trainings at kaalaman ang mga barangay tanods dahil may isinagawa silang programa katulad ng search for best barangay tanods.
Maliban dito , may mga seminar ang mga barangay tanods para maipaintindi sa kanila ng husto ang kanilang trabaho at obligasyon.