Na-rescue ng PNP personnel ng Madalag Municipal Police Station ang isang ginang sa kanyang pagtatangkang pagpapakamatay sa pamamagitan ng pag-lunod sa kanyang sarili sa ilog na sakop ng Sitio Daguitan, Brgy. Paningayan, Madalag noong araw ng Lunes, Agosto 18, 2025.
Ayon kay PSSgt. Sheryl Santillan ng Madalag PNP, ang biktima ay nasa edad 40 anyos, pamilyado at nagsabi na napapagod na itong mabuhay sa mundo dahilan para maisipan nito na kitilin nalang ang kanyang sariling buhay.
Gayunpaman, maswerte siyang na-rescue ng PNP personnel kung saan hindi siya iniwan dahil ang kanyang pagsusulungan sana na ilog ay medyo malalim sa unahan.
Dagdag pa ni PSSgt. Santillan, posible na may problema sa pamilya ang ginang dahil sa bigat ng kanyang emosyon dahilan na minabuti nilang payuhan nalang ang ginang sa mga dapat at tama na gawin dahil ang kanyang naisipang gawin partikular ang pagkitil sa kanyang sariling buhay ay hindi makakatulong sa pagresolba sa kanyang problema.
Una rito, isang concerned citizen ang lumapit sa kanila para manghingi ng assistance para sa ginang na nakitang lumalangoy sa ilog na parang tinatangkang lunurin ang sarili.
Halos 30 minutos pa ang pagsunod nila sa ginang hanggang sa matiyak nila ang kanyang kaligtasan.