Kulong sa lock-up cell ng Balete Municipal Police Station ang isang lalaki matapos nitong saksakin ang kanyang kainuman noong araw ng Huwebes, Agosto 21 bandang ala-5:50 ng hapon sa Brgy. Archanghel, Balete.
Ayon kay PCpt. Donie F. Magbanua, acting chief of police ng Balete Municipal Police Station, sa kanilang pag-iimbestiga, nag-ugat ang galit ng suspek nang malaman na pumunta ang biktima sa kanilang bahay matapos akalaing umuwi na ito galing sa lugar na kanilang pinag-iinuman para doon daw matulog, ngunit hindi ito pinagbuksan ng pamilya ng suspek dahil hindi nila ito kilala.
Pag-uwi umano ng suspek, isinumbong ng pamilya nito ang nangyari kung saan ayon kay PCpt. Magbanua ay baka may mga sinabi pang hindi maganda, na ikinagali ng suspect at gineagas nito ang biktima at sinaksak.
Nagtamo ng tama sa kanang bahagi ng tyan ang biktima kung saan nakatakbo naman ito at humingi ng tulong sa mga tao sa paligid. Agad namang tumawag ng rescue ang mga residente at ni-respondehan ito ng MDRRMO-Balete at dinala sa provincial hospital.
Agad ding nahuli ang suspek nang rumesponde ang mga kapulisan.
Sa makaron umano, nagpahayag ang biktima na hindi na ito magsasampa ng kaso basta’t sasagutin ang kanyang pagpapagamot, ngunit hindi pumayag ang pamilya nito na palayain ang suspek nang hindi nakakasuhan.
Nagpaalala naman si PCpt. Magbanua na kung i-inom ay iwasan ang mga ganitong pangyayari at laging isipin na may pamilyang naghihintay sa kanilang mga tahanan.