-- ADVERTISEMENT --

Inaasahang lalo pang lalawak ang current account deficit ng Pilipinas dahil sa paghina ng global trade na nagpapabigat sa exports, services, at remittances, ayon sa BMI Country Risk and Industry Research ng Fitch Solutions.

Tinataya ng BMI na mananatiling mataas ang deficit sa susunod na tatlong taon, nasa 2.8% ng GDP—malayo sa 0.4% average bago ang pandemya.

Sa unang quarter ng 2025, lumobo na ito sa 3.7% ng GDP mula 1.9% noong nakaraang taon.

Kabilang sa mga dahilan ang paghina ng ekonomiya ng US at China, trade fragmentation, mas mataas na taripa sa US, at posibleng pagbaba ng remittances mula sa OFWs.

Inaasahang tataas pa ang trade deficit sa goods mula $74.3 bilyon ngayong taon hanggang $90.5 bilyon pagsapit ng 2028.

-- ADVERTISEMENT --

Gayunman, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), nananatiling matatag ang bansa dahil sa malalaking forex inflows at sapat na reserves, na magsisilbing panangga laban sa panlabas na panganib.

BSP inaasahang bababa ang deficit sa $16.3 bilyon o 3.3% ng GDP sa 2025 mula $17.5 bilyon ngayong taon.