-- ADVERTISEMENT --

KALIBO, Aklan — Isinailalim na sa inquest proceedings sa Aklan Prosecutors Office ang 42-anyos na chainsaw operator na inaresto sa isinagawang search warrant operation kaugnay sa paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Hinuli si Larry Berdandino, residente ng Brgy. Cabayugan, Malinao at kasalukuyang naninirahan sa Purok 1, Brgy. Mobo, Kalibo, Huwebes ng umaga, Agosto  21.

-- ADVERTISEMENT --

Hinalughog ang loob ng kanyang bahay sa bisa ng warrant of arrest kasunod ng reklamo ukol sa umano’y pagpapaputok nito ng baril at panunutok sa isang menor de edad na pinaratangan nitong nagnakaw ng kanyang kalapati.

Narekober sa kanyang bahay ang dalawang caliber .45, tatlong magazine at 20 mga bala.