-- ADVERTISEMENT --

NEW WASHINGTON, Aklan — Ikinatuwa ng mga mamamayan ang ginagawa ngayong imbestigasyon ng pamahalaan sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga maanomalyang flood control projects sa bansa.

Ayon kay Mrs. Novejean Traje,  residente ng Brgy. Tambak, New Washington sa pamamagitan nito ay masilip ang kanilang sitwasyon kung saan labis na silang naapektuhan sa pagkasira ng kanilang seawall.

-- ADVERTISEMENT --

Iginiit nito na malaking suliranin sa mga apektadong residente ang kawalan ng proteksyon sa kanilang mga bahay.

Maliban sa nasirang mga bahay at gamit dahil sa daluyong o malalaking alon, apektado rin ang kanilang kabuhayan.

Umaasa umano silang maaksyunan na ang kanilang matagal nang problema at sa oras na isailalim sa reconstruction ang kanilang sirang seawall ay gawin itong matibay sa pamamagitan ng paggamit ng mga standard na mga materyales upang hindi basta-bastang masira.