IBAJAY, Aklan—Halos dalawang linggo matapos na binaril-patay, inihatid na sa kaniyang huling hantungan si Ibajay Vice Mayor Julio Estolloso, Lunes ng hapon, Agosto 25, 2025 hapon ng Lunes kasabay sa pagtangis ng kaniyang kaanak at mga constituents na patuloy na humihingi ng hustisya sa nasabing bayan.
Sa kaniyang funeral, nagtipon-tipon ang mga lokal na opisyales na pinangunahan ni Ibajay Mayor Jose Miguel Miraflores, mga residente mula sa iba’t ibang barangay na dumalo sa necrological service upang bigyang pagkilala ang mga legasiya ng 50 anyos na bise alkalde na binaril ng makailang ulit habang nakaupo sa kaniyang swivel chair sa loob ng opisina sa Sangguniang Bayan Session Hall ng suspek na si SB member Mhirel Senatin noong Agosto 8 ng umaga.
Si Estolloso ay tumatayong principal ng Melchor Memorial School kung saan siya pansamantalang inihimlay pagkatapos na dinala sa Parish of St. Peter the Apostle sa nasabing bayan bago dinala sa kaniyang huling hantungan sa Ibajay Municipal Cemetery.