-- ADVERTISEMENT --

Tiniyak na ni Alex Eala ang P8.7 milyon matapos makapasok sa ikalawang round ng 2025 US Open, kasunod ng makasaysayang panalo laban sa World No. 14 Clara Tauson ng Denmark, 6-3, 2-6, 7-6 (13/11).

Nabawi ng 19-anyos na Filipina ang laban matapos maiwan sa 1-5 sa huling set at tuluyang nagwagi sa marathon match na tumagal ng mahigit dalawang oras.

Dahil dito, tiyak na si Eala ng $154,000 mula sa rekord na $90 milyong prize pool ng torneo.

May pagkakataon siyang madagdagan pa ang premyo—$237,000 (P13.4M) kung makalusot sa susunod na round.

Muli siyang sasabak sa Miyerkules kontra sa magwawagi sa pagitan nina Cristina Bucsa at Claire Liu.

-- ADVERTISEMENT --