Inihayag ng National Police Commission (Napolcom) ang nalalapit na paglalabas ng resolusyon para pagtibayin ang pagtatalaga kay Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. bilang acting chief ng Philippine National Police (PNP).
Ayon kay Napolcom Vice Chairperson Rafael Vicente Calinisan, layunin ng hakbang na bigyang kapangyarihan si Nartatez na ganap na gampanan ang pamumuno sa PNP, taliwas sa limitadong tungkulin ng isang officer-in-charge.
Hindi pa maaaring italaga si Nartatez bilang full PNP chief dahil aktibo pa si dating hepe Gen. Benjamin Torre III, na kasalukuyang may four-star rank. Isang opisyal lamang ang pinapayagang humawak ng apat na bituin sa PNP alinsunod sa patakaran.
Tiniyak ng Napolcom ang patuloy na maayos na ugnayan sa PNP at ang kanilang buong suporta sa liderato ni Nartatez.