-- ADVERTISEMENT --

Nakatakang operahan sa ara ng Lunes ang isang binatilyo na halos dalawang buwan nang naka-confine sa Aklan Provincial Hospital matapos na masugatan dahil sa kawayan.

Si John Dave Verano ng it Brgy. Rosal, Libacao ay nagsasakripisyo na sa sakit na nararamdam sa nasabing hospital ng halos dalawang buwan matapos na hindi pa rin nao-operahan ang kanyang sugat at nagdurusa na ang binatilyo sa kanyang kalagayan.

Matapos na magpaabot ng panawagan sa Bombo Radyo ang kanyang tito, agad na nagpaabot ng tulong si Kalibo mayor Juris Sucro sa binatilyo.

Ayon kay Carla Doromal, executive assistant to the mayor ng LGU Kalibo, bakita umano ng alkalde ang paghihirap ng binatilyo hanggang hindi nagtagal ay sinabihan ang pamilya na nakatakda na itong operahan sa araw ng Lunes.

Lubos na nagapasalamat ang pamilya dahil nadinig ang kanilang panawagan.

-- ADVERTISEMENT --

Nauna nang nagpaabot sa kanilang sariling social media account ang pamilya Verano para kay John Dave para maoperahan na ito at maka-labas sa nasabing ospital.