-- ADVERTISEMENT --

Mariing tinutulan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang umano’y insertions o ilegal na paglalagay ng pondo sa panukalang 2026 national budget, ayon sa Malacañang. Giit ng Palasyo, dapat mapunta lamang ang pondo sa mga lehitimo at hindi nauulit na proyekto.

Nadiskubreng ang 2026 National Expenditure Program (NEP) mula sa Department of Budget and Management (DBM) ay may alokasyon para sa mga proyektong tapos na. Dahil dito, hinimok ng Palasyo ang mga mambabatas na makipag-ugnayan sa mga ahensya tulad ng DPWH upang beripikahin ang status ng mga proyekto.

Kaugnay ng isyu, bumuo ang administrasyon ng isang independent commission para imbestigahan ang mga iregularidad sa DPWH, kabilang ang mga kontrobersyal na multibillion-peso flood control projects.

Ang kontrobersya ay humantong sa pagbibitiw ni dating DPWH Secretary Manuel Bonoan at pagtatalaga kay Vince Dizon bilang kapalit.