-- ADVERTISEMENT --

Ipinatupad mula araw ng Lunes, Setyembre 1 ang “one entry, one exit policy” sa munisipyo ng Kalibo.

Ayon kay Carla Doromal, Executive Assistant 1 to the Mayor, layunin nito na tiyakin ang kaligtasan ng mga empleyado at kliyente pati na rin sa efficiency ng serbisyo at transaksyon sa lokal na gobyerno ng Kalibo.

Dahil sa maraming pintuan papasok sa iba’t-ibang departamento, minabuti ni Kalibo mayor Juris Sucro na ipatupad ang nasabing hakbang alinsunod na rin sa ordinansa na ipinalabas noon pang buwan ng Pebrero ng kasalukuyang taon.

Tinukoy din ni Doromal ang mga lugar ng entry and exit point bilang bahagi ng bagong polisiya.

Maliban dito, dapat mag-suot ng kanilang ID ang mga LGU employees para mas madali silang makilala ng security officer at kung may dalang firearms ay dapat na iwanan sa tamang lugar bago pumasok sa opisina sa kahit saang departamento sa loob ng munisipyo.

-- ADVERTISEMENT --

Nabatid na ang bayan ng Ibajay ay nagpatupad din ng kaparehong hakbang matapos ang insidente kung saan pinatay si Ibajay vice mayor Julio Estolloso ni Sangguniang Bayan member Mheril Senatin na kasalukuyan na nagyong nakakulong sa Bureau of Jail Management and Penology o BJMP sa Barangay Nalook, Kalibo.