-- ADVERTISEMENT --

Nakumpiska na ng Bureau of Customs (BOC) ang kabuuang 28 mamahaling sasakyan na inuugnay sa pamilyang Discaya, na sangkot umano sa iregularidad sa mga flood control project ng pamahalaan.

Sa ulat ng BOC, 16 na sasakyan ang boluntaryong isinuko ng pamilya, habang 12 naman ang nakuha sa isinagawang search operation sa compound ng St. Gerrard Construction sa Pasig City.

Kabilang sa mga nasabat na sasakyan ang mga luxury brand gaya ng Mercedez Benz, Land Rover, Cadillac Escalade, Ford Bronco, at Porsche Cayenne. Ang mga ito ay kasalukuyang isinasailalim sa inspeksyon, dokumentasyon, at beripikasyon ng importasyon at buwis.

Kasama ang Land Transportation Office (LTO), isinasagawa ng BOC ang imbestigasyon upang tukuyin kung legal ang pag-aari ng mga naturang sasakyan. Binigyan ang mag-asawang Pacifico at Cezarah Rowena Discaya ng 10 araw upang magsumite ng mga dokumentong magpapatunay ng kanilang lehitimong pag-aari.

Target ng ahensya na makumpleto ang pagsusuri sa loob ng darating na linggo.

-- ADVERTISEMENT --