-- ADVERTISEMENT --

Kasunod sa pag-sususpinde ng budget hearing ng Department of Public Works and Highways (DPWH), nanawagan si Alliance of Concerned Teacher (ACT) party-list representative Antonio Tinio ng pag-demand galing sa publiko para sa transparency ng mga pagbabagong gagawin ng Malacañang sa nasabing panukalang budget ng ahensya.

Ang Panukalang budget ng DPWH na nauna nang isinumite ng Pangulo ay binawi dahil ayon sa Deparment of Budget and Management (DBM) ay kanilang re-reviewhon dahil parang aminado silang may mga mali dito.

Gayunpaman, dahil sa maraming linya ng individual projects, kinakailangan pa itong isa-isang paghambingin para malaman kung ano ang mga pagbabagong ginawa, kaya maituturing na hindi ito transparent.

Ayon pa kay Tinio, kung mag susumite ng panibagong budget, dapat malinaw kung ano ang mga pinalitan o inayos ng malakanyang para malaman ng publiko kung ang mga binago ay matino o nananatiling kahina-hinala.

Samantala, hinggil sa pagpapanagot sa mga pulitikong nakinabang sa mga maanomalyang public work contracts, ipinahayag ni Tinio na huwag i-asa ang pag-imbestiga sa mga institusyong katulad ng Senado at Kamara dahil ang may kakahayang imbestigahan at mag establish ng criminal liability ay ang Department of Justice (DOJ) at Ombudsman.

-- ADVERTISEMENT --

Nanawagan na rin umano sila sa DOJ at Ombudsman na huwag matulog sa “pansitan” dahil sapat na ang mga natuklansang mga ebidensya para maglunsad ng sariling imbestigasyon at maghain na ng mga kaso dahil ang problema dito ay mga tahimik ito sa ganitong issue.