Maituturing na “flavor of the month” lamang ang issue sa mga maanomaliyang flood control projects.
Ito ang ro naging pahayag ni Teddy Casiño, chairman ng Bagong Alyansang Makabayan dahil sa hindi na bago ang mga usaping katiwalian sa pamahalaam. Narinig na umano ito sa mga farm-to-market roads, fertiziler, dredging at aspalt projects.
Naging uso ro ang flood control projects dahil sa climate change, ngunit nakita din umano ng publiko kung paano ito pinakinabangan ng mga pulitiko, contractor, at Department of Public Works and Highways (DPWH) officials.
Dagdag pa niya, hindi dapat makontento ag taumbayan na may mga masisibak lang na ilang district engineers o kahit ang opisyal ng DPWH, importante aniyang malaman kung bakit humantong sa ganito , at kung sino ang mga nasa likod ng mga maanomaliyang proyekto.
Ipinahayag din niya ang kanyang suporta at sinabing kulang pa ang isinagawang protesta ng mga kabataan sa compound ng pamilya Discaya dahil kung hindi umano matatakot ang mga contractor at mga corrupt na opisyal sa mamamayang Pilipino, paulitulit lang nilang gagawin ang pangungurakot.
Nananawagan din siya sa publiko na maging mapagbantay at huwag matakot na ipaalam dahil ngayon ang tamang panahon na dapat lumabas ang lahat nang katiwalian para matigil na.