-- ADVERTISEMENT --

Sinimulan na ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang pagbabayad sa ilalim ng Guaranteed Access to Medicines and Outpatient Treatment (GAMOT) program, bilang bahagi ng pagpapalawak sa serbisyong pangkalusugan para sa mga miyembro.

Pinalawak ng GAMOT program ang saklaw ng YAKAP primary care package, kung saan 75 essential medicines na ang libreng makukuha para sa mga karaniwang karamdaman tulad ng impeksyon, hika, COPD, diabetes, altapresyon, sakit sa puso, at iba pang chronic conditions.

Isinulong ang programa kasabay ng layunin ng administrasyong Marcos na gawing mas abot-kaya at accessible ang gamot para sa lahat ng Pilipino.

Katuwang ang mga FDA-licensed na botika, inaasahan ng PhilHealth na magiging mas madali ang pagkuha ng mga reseta at gamot mula sa mga accredited na pasilidad.

Sa ngayon, may 41 operational GAMOT facilities sa National Capital Region, at inaasahang madadagdagan pa ito sa mga susunod na buwan.

-- ADVERTISEMENT --