Kinumpirma ng Embahada ng Pilipinas sa Qatar na walang Pilipinong nasugatan o nasaktan sa nangyaring airstrike ng Israel sa lungsod ng Doha, Qatar.
Target umano ng opensiba ang ilang lider ng Hamas na pansamantalang naninirahan sa nasabing bansa. Gayunpaman, nakaligtas umano ang mga subject person ng pag-atake.
Sa ngayon, patuloy ang monitoring ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa sitwasyon upang masiguro ang kaligtasan ng mahigit 260,000 na Pilipinong naninirahan sa Qatar.
Sa kabila nito, lubos ang pasasalamat ng overseas Filipino worker na si Bombo International News Correspondent Janelyn Sobron na malayo sa lugar nila ang nasabing pag-atake.
Ngunit, nababahala parin sila sa posibilidad na baka maulit pa ang insidente lalo na at marami ang mga OFW’s na nagtatrabaho sa mismong sentro ng bansa.
Ayon umano sa amo nila, nakaabot sa Israel na may nag-tatago na Hamas militant sa Qatar dahilan na binomba ito ng Israeli military.
Sa ngayon aniya ay ligtas sila at patuloy ang kanilang pagdadasal na sana hindi na maulit ang nakakatakot na insidente.
Samantala, pinayuhan din ang mga Pilipino na iwasan ang pag-labas kung hindi kinakailangan, manatiling alerto sa mga balita at abiso ng lokal na awtoridad, makipag-ugnayan sa embahada para sa anumang emergency.