Mahaharap sa kasong Homicide ang isang mangingisda matapos na napatay nito ang kanyang bayaw sa pamamagitan ng pag-hampas sa ulo nito ng matigas na bagay na nangyari, umaga ng Huwebes, Setyembre 11 sa Sitio Ilawod, Brgy. Baybay sa bayan ng Makato.
Dead on arrival sa ospital ang biktima na si Juanito Castillo, 52-anyos matapos na magtamo ng fatal na lastro sa ulo habang kasalukuyan namang nakakulong sa locked up cell ng Makato Municipal Police Station ang suspek na si Rodel Tagua, 59-anyos at parehong residente ng nasabing lugar.
Sa naging imbestigasyon ng pulisya, ipinahayag ni P/Lt. Arnold Tejada, deputy chief of police it Makato PNP Station na pumunta ang biktima sa bahay ng suspek na may dalang itak kung saan tinangka nitong saksakin ang anak ng suspek. Gayunpaman, sa kabutihang palad hay nasangga ito at sa daliri lamang ang tama.
Dito na umano nagdilim ang paningin ng suspek at hinampas ang biktima ng matigas na kahoy sa ulo na nagdala sa kamatayan ng biktima.
Samantala, hindi lamang aniya ito ang unang beses na nag-away ang magbayaw dahil umabot na sa barangay ang reklamo ng dalawa.