-- ADVERTISEMENT --

Balik normal at wala na halos nagaganap na kilos-protesta sa Indonesia kumpara noong mga nakaraang linggo.

Ito ang ipinahayag ni Bombo International News Correspondent sa Indonesia na si Mark Jason Garcia, kasunod ng mapanirang kilos-protesta na nangyari sa nasabing bansa.

Ayon sa kanya, nagkaroon ng pag-uusap sa gitna ng pamahalaan at ilang youth groups at iba pang lider ng mga labor movements ukol sa mga demand nila.

Ang mga demand na ito ay tinatawag nilang 17+8 movement, kung saan ang 17 umano ay listahan ng mga agarang aksyon na gusto mangyari ng mga protesters at ang 8 naman ay pangmatagalang hiling sa gobyerno.

Dahil dito, isinusinde ang mga sobrang benepisyo ng mga myembro ng house of representative at pansamantala ring ipinatigil ang kanilang mga foreign trips.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, ipinahayag din umano ng presidente ng nasabing bansa na magbubuo sila ng “fact finding team” para imbestigahan ang mga nangyaring pamiminsala at pag-kuha ng mga gamit sa tahanan ng mga myembro ng house of representatives.