Nakamit ng isang Aklanon ang titulo bilang Miss Teen Icon 2025 na ginanap sa Pilar Hidalgo Lim Auditorium, Manila noong September 7 ng kasalukuyang taon.
Ayon kay Maria Kathleen Monjardin, Miss Teen Icon 2025, active student leader at advocate ng youth na tubong Boracay, Malay, Aklan, nag-umpisa ang kanyang pagkahilig na sumali sa mga pageant noong siya ay 13years old pa lamang kung saan naging interesado siya dahil sa pagkakataong maari itong makaimpluwensya hindi lang sa pangalan ng dinadalang lugar kundi maging sa mga adbokasiyang maaring ipaabot ng mga kandidata.
Sa kabila ng mga pagdududa sa sarili at pressure galing sa ibang tao, nagpatuloy siya sa paghahanda sa nasabing contest kahit sa maikling panahon.
Ang Mr. and Miss Teen World Philippines ay ang kauna-unahang pageant ng Teen World Philippines, kaya hindi mawawala ang kaba sa kanya dahil nais niyang maiuwi ang korona para sa probinsya.
Sa kabila nito, malaki ang kanyang pasasalamat sa kanyang mga naging tagasuporta dahil isa rin ito sa nagpalakas ng kanyang loob para masungkit ang nasabing karangalan.