-- ADVERTISEMENT --

Nanawagan ang PhilHealth sa publiko na gamitin ang kanilang health insurance benefits para sa thyroid cancer bilang parte ng pagdiriwang ng National Thyroid Cancer Awareness Week ngayong huling linggo ng Setyembre. Isa ang sakit na ito sa mga karaniwang uri ng kanser sa bansa ngunit mataas ang posibilidad na magamot kung maagang matutukoy.

Nagbibigay ang PhilHealth ng benepisyong ₱22,230 para sa paunang paggamot at konsultasyon, hanggang ₱60,450 para sa total thyroidectomy, at hanggang ₱90,675 para sa mas komplikadong operasyon. Saklaw ng mga package ang bayarin sa ospital at doktor.

Hinimok din ng ahensya ang publiko na maging mapagmatyag sa mga sintomas at makibahagi sa mga aktibidad ng awareness week upang mapalakas ang kaalaman at maagang aksyon laban sa thyroid cancer.